Sabado, Setyembre 5, 2015

Paghanga ni Cara


images.jpg

Paghanga ni Cara

Sabik na sabikng pumasok ng paaralan si Cara. Dahil alam niyang makikita nanaman niya ang kanyang crush na si Marco. Dahil magkaklase sila ginawa niyaang lahat. Ipinakita niya ang kaniyang galing sa kanilang klase.  Isang gabing magdamag silang nagkukwentuhan sa text. Kaya naman napagisip-isipan niyang umamin sa kaniyang nararamdan.Pagkaumagahan nagkatitigan silang dalawa at ngumiti sa isa’t-isa. Napag-isipisipan niyang may gusto na si Marco sa kanya. Ilang araw nang nalaman ni Marco na may gusto si Cara sa kanya, iniiwasan na niya ito kaya naman masakit sa damdamin ni Cara. Lagi niyang sinasabi sa kaniyang diary na “Namimiss ko na siya. Sana katulad nalang tayo nang dati.”Sinabi niya rin na “Madaling titigan, pero mahirap lapitan.” Ilang araw na ring hindi sila nagkukwentuhan at walang pansinan sa loob ng klase kaya naman puro patama ng patama ng mga text si Cara. Lagi siyang may kaakibat na imahinasyon bago matutulog. Napansin niyang pinapansin ni Marco lahat ng mga bestfriend niya pero siya lang ang wala. Sa tuwing magkakasalubong sila ni wala man lang imik. Pero pag nakadaan na todo hampas sa katabi na para bang walana ng darating na bukas. Napansin niyang madala sna ring lumiliban si Marco sa klase kaya hindi siya makapag-isip ng mabuti sa kanilang klase. Laging tulala. Kaya’t sinabihan siya ng kanyang kaibigan na hindi kapinaasa ni Marco sadyang assuming ka lang. Kaya magdamag itong iniisip ni Cara na totoo nga ang sinasabi nila assuming lang talaga ako. Nung pumasok na si Marco hindi na niya ito pinapansin at lagi niya itong sinusungitan. Lahat na sigurong hindi kagustuhang ugali ginagawa niya kay Marco dahil sa sobrang galit nito. Isang lingong lumiban si Marco sa kanilang klase. Kaya napagisipan niyang pumunta sa bahay nila Marco…..


Pero sa hindi inaasahang pangyayari nalaman niyang pumanaw na pala si Marco.Binigyan ng sulat si Cara ng mga magulang ni Marco na sinabing ibibigay daw kay Cara. Nung binasa na ni Cara ang sulat. Puro luha ang tumutulo sa kaniyang mga mata. Sinabi ni Marco sa sulat na nung gabing magdamag tayong nagkukwentuhan iba na ang nararamdaman ko. Sadyang torpe lang talaga akong umamin sa aking nadarama. Kaya iniwasan kita dahil hindi kita gustong masaktan na kung malalaman mo pang may sakit ako na malubha na.Ginawa ko ang lahat pinilit kong mag-aral at kausapin ka pero sa mga ipinapakita mo ay makapanghihinayang talaga kaya mas mabuti nalang na mamatay ako para bumalik kana sa dati. Nasaktan ako ng husto sa mga ginawa mo Cara. Paalam, Mahal na Mahal Kita. Ikaw Lang.

Biyernes, Agosto 28, 2015

Kahirapan sa Pilipinas


   


  "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan", iyan po ang katagang binitiwan ng ating mahal na bayaning si Gat Jose Rizal. Sa mga suliranin natin ngayon, masasabing ang pangunahing mababanaag ko sa mata ni Juan dela Cruz sa pangaraw-araw ko na obserbasyon sa pakikisalamuha sa ating mga kababayan ay walang iba kundi ang "kahirapan". Ang kahirapan ay kaakibat nito ang pagiging salat sa pinansyal na pangangailangan. 
      Ang isang kilo ng bigas ay dati-rati ay may nabibili ako ng PHP24 subalit sa ngayun ay umabot na sa higit sa PHP30 sa loob lamang ng isang taon. Maraming suliranin ang hindi nasulusyunan ng ating mga butihing namamahala sa ating bayan. Di ba nakakasakt isipin na puro pangako na lang ang naririnig natin sa kanila? Nasaan ang solusyun? Oo nga at hindi naman natin mababago ang takbo ng ekonomiya sa bansa sa pamamagitan ng pagluklok ng isang bagong pangulo. Gasgas na ang mga linya nila sa mga pangako ng pagbabago. Ang dapat lang nilang gawin ay kung papano nila pagpahalagahan ang pera ng bayan. Sila ay nakaupo hindi para silbihan kundi upang maglingkod. Sa darating na eleksyon siguradong marami na naman ang maghahangad ng kanikanilang plano na maaaring taliwas sa kanilang ipinapangako.

Sa puntong ito ng aking lathalain, ang tanong na matagal nang humihingi nang kasagutan ay kung papaano ba umunlad ang buhay ng mga Pinoy? Narito po ang mga sumusunod na pwedeng makapagpabago sa ekonomiya at muling umangat ang Inang Bayan upang hindi tayo kukutyain ng mga mayayamang bansa:

1. Kailangan na ang namamahala sa ating bansa ay mayroong katangian kung paano gumabay at mamuno para sa pagtaguyod ng pagkamalikhain ng mga pinoy lalo na sa larangan ng pangangalakal o pagnenegosyo.Dapat na maging likas sa bawat Pilipino ang pagiging mahilig sa pagnenegosyo.
2. Dapat ang mga namumuno sa bayan ay may kaalamang pang-ekonomiya ngunit hindi dapat sa kani-kanilang pansarili. 
3.Ang kabulukan ay dapat mahadlangan at dapat ang mga sangay ng gobyerno (tulad ng Commision on Audit, at Office of the Ombudsman") na nanunuligsa sa mga kurap na opisyales ay di maimpluwensyahan ng mga malalaking pangalan sa pulitika. 
4. Sa darating na halalan maging matalino sa pagpili ng mga iboboto. Alamin ang kanilang plataporma. Magsiyasat at kailangang alamin din ang mga datihang nangangako ng pagbabago at mga nagbigay ng plataporma sa nakaraang eleksyon na di naman natupad.Alamin din ang angking yaman kung sila ay nagpasarap lang sa pwesto.
5.Malaki ang partisipasyon ng pagbabago sa pamamagitan ng bawat Pilipino. Disiplina ang isa sa mga ito na dapat nating masimulan. Disiplina sa sarili, sa pagpapalaki ng mga anak, at pagmamahalan sa bawat isa. Nandito na pumapasok ang mga katagang binitiwan ni Rizal.

Tandaan na di natin dapat iasa na lang sa mga nakaupo.Simulan po natin ang pagbabago sa ating sarili.